Ipinalabas noong taong 2012 ang pelikulang The Hunger Games, na batay sa librong isinulat ni Suzanne Collins.

Paskil ng The Hunger Games[1]
Sa ilalim ng paggabay ni Haymitch Abernathy, ang tanging nagtagumpay sa Hunger Games mula sa distrito nila, ipinahayag ni Peeta sa isang panayam na nahulog ang kanyang damdamin para kay Katniss upang makuha ang loob at pansin ng mga residente sa Capitol dahil nagbibigay sila ng donasyon sa mga sikat at kaakit-akit na tribute. Nagtagumpay ang pakana ni Haymitch at naging paborito na tribute sina Katniss at Peeta dahil sa kanilang ikinathang trahedya na kung saan naging masamang kapalaran ang sapilitang pagsali nila sa Hunger Games habang may nararamdaman si Peeta para kay Katniss.
Sa mismong Hunger Games, naghiwalay si Katniss at Peeta at nagkita na lamang sila muli sa huli noong kumonti na lamang ang mga tribute kaya napag-isipan ng dalawa na magsanib pwersa. Nagkunwari si Katniss na may nararamdaman din siya para kay Peeta. Naaliw ang mga taga-Capitol kaya nagpadala sila ng donasyon na gamot. Sa huli, silang dalawa na lamang ang natira sa laban, ngunit kinakailangan na iisa lamang ang magwawagi sa Hunger Games. Hindi pumayag si Katniss na patayin si Peeta kaya nagtangkang magpakamatay na lamang silang dalawa. Dahil magiging paglaban sa Capitol at ang kapangyarihan nito ang pagkamatay nilang dalawa, napagdesisyunan ng mga pinuno ng Capitol na itanghal silang dalawa bilang kampeon ng ika-74 na Hunger Games. Sa huli, bumalik sina Katniss at Peeta nang magkahawak-kamay sa District 12 upang salubungin ang mga kababayan nila at ang mga kamera na nakatutok sa kanila.
Masasabi kong napapanahon ang The Hunger Games. Ipinakikita ng pelikulang ito ang ang pagkaugat nito sa kasalukuyang panahon sa pamamagitan ng paggamit sa tauhan ng temang peminismo na higit na umusbong noong ika-21 siglo. Hindi makabagong konsepto ang peminismo. Ito ay matagal nang kilusan na unang nabigyan ng pansin ng masa noong ika-19 siglo.[2] Dati, mayroon pang masamang kahulugan ang pagiging peminista.[3] Subalit, ngayong ika-21 siglo, higit na dumami ang mga taong sumusuporta sa kilusang ito at hindi na rin ito ikinakahiya.[4] Sa pelikula, makikita agad ang peminismo dahil sa unang tingin pa lamang sa paskil, makikita na agad na babae ang bida. Isang matapang na babae si Katniss Everdeen at hindi siya inilarawan bilang isang damsel in distress.
url: https://www.youtube.com/watch?v=G9VI6SExDms [5]
Hindi niya kinailangan ang tulong ng ibang tao at siya pa ang lumaban para kay Peeta noong napahamak siya.
url: https://www.youtube.com/watch?v=Jo9HhK2D5k4 [6]
Makikita rin ang pagkaugat ng pelikula sa kasulukuyang panahon paggamit ng temang dystopia. Magulo at malagim ang mundo sa temang ito. Noong dumating ang ika-21 siglo, biglang dumami ang bilang ng mga nobelang gumamit ng tema na dystopia sa dahilang pinalawak ng internet ang mga pananaw at paniniwala ng mga kabataan ngayon.[7] Ang Divergent ni Veronica Roth, Legend ni Marie Lu, at Maze Runner ni James Dashner ang mga halimbawa ng dystopia na nobela na kamakailan lamang inilimbag.
Divergent[8], Legend[9], at The Maze Runner [10]
Puno ang temang ito ng mga isyung panglipunan, kaya naman naaakit ang mga kabataang magbasa at manood ng mga nobela at pelikulang dystopian. Sa Panem ang tagpuan ng Hunger Games, kung saang namumuno ang isang diktador na si pangulong Snow. Dahil hindi siya makatarungan, hindi niya binibigyang tuon ang kapakanan ng buong bayan. Naghihirap ang ibang distrito habang sa Capitol mahahanap ang halos lahat ng kayamanan ng Panem.
Capitol[11], at District 12[12]
Isa pang pagkakakilanlan ng dystopia ang pagsugpo ng mga hindi karaniwang saloobin.[13] Sa Panem, mahigpit na ipinagbabawalan ang sining, at noong bata pa si Katniss, natakot ang kaniyang ina dahil sa mga saloobin niyang hindi sumasang-ayon sa pagbabawal na ito. Mahigpit ang pamamahala sa mga residente upang mapalaganap ang takot sa kanila.
Ipinakikita naman sa banghay ng pelikula ang pagkaugat nito sa kasalukuyang panahon sa paggamit ng konsepto ng celebrity culture o ang labis na pagsamba sa mga tanyag na tao. Kasabay ng pag-unlad ng internet, ang pag-iral ng kababalaghang celebrity culture, dahil malalaman agad sa isang pindot lamang ang pinakabagong balita tungkol sa mga tanyag na tao.
Kaya ngayon, hindi na naiimpluwensya ang tao ng agham o ibang praktikal na bagay dahil nakatuon ang pansin nila sa buhay ng mga tanyag na tao.[15] Makikita ito sa The Hunger Games sa mga residente ng Capitol. Namumuhunan sila sa pagkahumaling nila sa mga tribute at minsan nagbibigay pa sila ng donasyon sa kanila. Labis na naapektuhan din sila noong ibinunyag ni Peeta na nahulog ang loob niya para kay Katniss, hanggang sa ipinalitan ng mga pinuno ng Hunger Games ang patakaran at pinayagan na nilang magkaroon ng dalawang kampeon ang labanan.url: https://www.youtube.com/watch?v=UxvyMiwhJWw [16]
Dahil sa kababalaghang celebrity culture, mabilis at madali nang maging sikat. Kung dati kailangan munang makakamit ng gantimpala para maging tanyag, ngayong ang kahit sino puwedeng maging kilalang tao sa tulong ng social media.[17] Sa Capitol, mahilig silang manamit nang maluho upang makaagaw ng pansin ng ibang tao, at palasak ang pagtitistis upang mapahusay ang hitsura nila.
Tunay na napapanahon nga ang pelikulang The Hunger Games hindi lamang dahil sa makabagong pamamaraan ng paglarawan ng babae sa panitikan, kung hindi dahil din sa temang dystopia na kamakailan lamang naging sikat, at dahil na rin sa bagong konseptong celebrity culture. Ipinakikita ng tatlong elemento na kahit paano, mayroon talagang bahid ng kasaysayan ang panitikang The Hunger Games.Taladuluhan:
[1] “The Hunger Games (2012).” IMDb. Isinangguni noong Setyembre 18, 2018. https://www.imdb.com/title/tt1392170/mediaviewer/rm2868031744.
[2] Heather Brunskell-Evans, “A Third Wave of Feminism Is Rising – and Here’s Why We Need to Surf It Now,” The Conversation, isinangguni noong Setyembre 6,
[3] Robin Morgan, “Feminist is a 21st Century Word,” Time, isinangguni noong Setyembre 6, 2018. http://time.com/3588846/time-apologizes-feminist-word-poll-robin-morgan/.
[4] Brunskell-Evans,” A Third Wave of Feminism Is Rising – and Here’s Why We Need to Surf It Now” 2018. https://theconversation.com/a-third-wave-of-feminism-is-rising-and-heres-why-we-need-to-surf-it-now-50432.
[5] Movieclips. “The Hunger Games (4/12) Movie CLIP – Shooting the Apple (2012) HD.” YouTube. Pebrero 05, 2014. Isinangguni noong Setyembre 18, 2018. https://www.youtube.com/watch?v=G9VI6SExDms.
[6] KatnissEverdeen PeetaMellark “The Hunger Games: Katniss Rescue Peeta [HD].” YouTube. Disyembre 04, 2013. Isinangguni noong Setyembre 18, 2018. https://www.youtube.com/watch?v=Jo9HhK2D5k4.
[7] Geir Finsson, The Unexpected Popularity of Dystopian Literature: From Orwell’s Nineteen Eighty-Four and Atwood’s The Handmaid’s Tale to Suzanne Collins’ The Hunger Games Trilogy (Iceland: University of Iceland, 2016)
[8] Daugherty, Evan. “SR EXCLUSIVES.” Screen Rant. March 21, 2014. Isinangguni noong Setyembre 19, 2018. https://screenrant.com/tag/divergent/.
[9] “Legend by Marie Lu.” PenguinRandomhouse.com. Isinangguni noong Setyembre 19, 2018. https://www.penguinrandomhouse.com/books/309223/legend-by-marie-lu/9780142422076/.
[10] “The Maze Runner 2014 Movie Posters.” Rampage 2018 Movie Posters.Isinangguni noong Setyembre 18, 2018. http://www.joblo.com/movie-posters/2014/the-maze-runner.
[11] “The Capitol.” Panem Propaganda. Isinangguni noong Setyembre 18, 2018. http://www.panempropaganda.com/capitol-city/.
[12] “District 12.” The Hunger Games Wiki. Isinangguni noong Setyembre 19, 2018. http://thehungergames.wikia.com/wiki/District_12?file=District_12_wideshot_2.png
[13] Philip Stoner, Dystopian Literature: Evolution of Dystopian Literature from We to The Hunger Games (Columbus: The Mississippi University for Women, 2017)
[14] “US Celebrity News.” Daily Mail Online.Isinangguni noong Setyembre 18, 2018. https://www.dailymail.co.uk/usshowbiz/index.html.
[15]. Chong Ju Choi at Ron Berger, “Ethics of Celebrities and Their Increasing Influence in 21st Century Society,” Journal of Business Ethics 91, 3 (2010): 314
[16] Avadaakadavra. “The Hunger Games – Searching Peeta.” YouTube. Setyembre 21, 2012. Isinangguni noong Setyembre 18, 2018. https://www.youtube.com/watch?v=UxvyMiwhJWw.
[17]. Anna Pivovarchuk, “Celebrity Culture: Famous for Being Famous,” Fair Observer, isinangguni noong Setyembre 6, 2018. https://www.fairobserver.com/culture/celebrity-popular-culture-history-73440/.
[18] Olivialivi. “Capitol Fashion!” The Hunger Games Society. Pebrero 12, 2015. Isinangguni noong Setyembre 18, 2018. https://thehungergamessociety.wordpress.com/2015/02/12/capitol-fashion/.
Sanggunian (Larawan):
Daugherty, Evan. “SR EXCLUSIVES.” Screen Rant. March 21, 2014. Isinangguni noong Setyembre 19, 2018. https://screenrant.com/tag/divergent/.
“District 12.” The Hunger Games Wiki. Isinangguni noong Setyembre 19, 2018. http://thehungergames.wikia.com/wiki/District_12?file=District_12_wideshot_2.png.
“Legend by Marie Lu.” PenguinRandomhouse.com. Isinangguni noong Setyembre 19, 2018. https://www.penguinrandomhouse.com/books/309223/legend-by-marie-lu/9780142422076/.
Olivialivi. “Capitol Fashion!” The Hunger Games Society. Pebrero 12, 2015. Isinangguni noong Setyembre 18, 2018. https://thehungergamessociety.wordpress.com/2015/02/12/capitol-fashion/.
“The Capitol.” Panem Propaganda. Isinangguni noong Setyembre 18, 2018. http://www.panempropaganda.com/capitol-city/.
“The Hunger Games (2012).” IMDb. Isinangguni noong Setyembre 18, 2018. https://www.imdb.com/title/tt1392170/mediaviewer/rm2868031744.
“The Maze Runner 2014 Movie Posters.” Rampage 2018 Movie Posters.Isinangguni noong Setyembre 18, 2018. http://www.joblo.com/movie-posters/2014/the-maze-runner.
“US Celebrity News.” Daily Mail Online.Isinangguni noong Setyembre 18, 2018. https://www.dailymail.co.uk/usshowbiz/index.html.
Sanggunian (Bidiyo):
Avadaakadavra. “The Hunger Games – Searching Peeta.” YouTube. Setyembre 21, 2012. Isinangguni noong Setyembre 18, 2018. https://www.youtube.com/watch?v=UxvyMiwhJWw.
KatnissEverdeen PeetaMellark “The Hunger Games: Katniss Rescue Peeta [HD].” YouTube. Disyembre 04, 2013. Isinangguni noong Setyembre 18, 2018. https://www.youtube.com/watch?v=Jo9HhK2D5k4.
Movieclips. “The Hunger Games (4/12) Movie CLIP – Shooting the Apple (2012) HD.” YouTube. Pebrero 05, 2014. Isinangguni noong Setyembre 18, 2018. https://www.youtube.com/watch?v=G9VI6SExDms.
Talasanggunian:
Brunskell-Evans, Heather. “A Third Wave of Feminism Is Rising – and Here’s Why We Need to Surf It Now.” The Conversation. Nobyembre 12, 2015. Isinangguni noong September 6, 2018. http://theconversation.com/a-third-wave-of-feminism-is-rising-and-heres-why-we-need-to-surf-it-now-50432.
Choi, Chong Ju, at Ron Berger. “Ethics of Celebrities and Their Increasing Influence in 21st Century Society.” Journal of Business Ethics 91, no. 3 (2010). Isinangguni noong Setyembre 6, 2018. doi:10.1007/s10551-009-0090-4.
Finnsson, Geir. “The Unexpected Popularity of Dystopian Literature: From Orwell’s Nineteen Eighty-Four and Atwood’s The Handmaid’s Tale to Suzanne Collins’ The Hunger Games Trilogy.” BA Sanaysay, University of Iceland, Iceland, 2016. September 2016. Isinangguni noong Setyembre 6, 2018. https://skemman.is/bitstream/1946/26094/1/Geir Finnsson.pdf.
Morgan, Robin. “Feminist Is a 21st Century Word.” Time. Nobyembre 17, 2014. Isinangguni noong Setyembre 6, 2018. http://time.com/3588846/time-apologizes-feminist-word-poll-robin-morgan/.
Pivovarchuk, Anna. “Celebrity Culture: Famous For Being Famous.” Fair Observer. Mayo 19, 2017. Isinangguni noong Setyembre 06, 2018. https://www.fairobserver.com/culture/celebrity-popular-culture-history-73440/.
Stoner, Philip. “Dystopian Literature: Evolution of Dystopian Literature From We to The Hunger Games.” The Mississippi University for Women. 2017. Isinangguni noong Setyembre 6, 2018. https://www.muw.edu/honors/merge/articles/4388-dystopian-literature-evolution-of-dystopian-literature-from-we-to-the-hunger-games.


